Huwebes, Mayo 21, 2015

Mas pinamura na ang paninda sa Puregold's Aling Puring Sari-Sari Store Convention 2015, may raffle at papremyo pa!



Murang paninda, bonggang promo at raffle prices, star-studded pa... Unlimited ang saya at ligayang hatid ng Puregold, punta na!

HELLO Bulgarians! Unli ang saya, unli ang ligaya! Ito ang hatid ng Puregold sa kanilang mga suking mamimili mga katsika at hindi lamang Metro Manila ang nakiisa dahil lumusob din ang mga katsika natin mula Luzon, Visayas at Mindanao!

Mula sa unang araw noong Mayo 20, 2015 hanggang ngayon ay dinudumog pa rin ang Tindahan ni Aling Puring Sari-Sari Store Convention 2015 sa World Trade Center, Pasay City.

Windang na windang ang lahat dahil sa pinabongga at unlimited na saya sa mas pinababang presyo ng mga paninda, astig na papremyo, promo at raffle prizes na naghihintay sa lahat ng mga sari-sari store owner na may Aling Puring Card.

Hindi lang d’yan nagtatapos ang ligaya dahil naki-join din ang mga Kapamilya, Kapuso at Kapatid stars sa pagbibigay ng unlimited na saya at papremyo, star studded talaga, ‘di ba?

Ito na ang ika-12 na Sari-Sari Convention, ang pinakabongga at pinakamalaking pagtitipon ng mga sari-sari storeowner sa ‘Pinas. Ito ay ginagawa bilang pagbibigay-pugay ng Puregold sa mga sari-sari storeowner na walang sawang tumatangkilik sa kumpanya at sa mga produkto nito.

Ayon pa kay G. Antonio de los Santo, National Operations Manager ng Puregold, kumpara sa mga nakaraang taon, ang 2015 convention ay ‘unlimited’ dahil sa unli-saya, unli-asenso, unli-panalo at unli na pampremyo. Lahat, unli!

Bukod d’yan, may mga on-going seminar din na malaking tulong upang mabigyan ng pagkakataon ang ating mga small-time negosyante na matuto kung paano umpisahan at palaguin ang isang negosyo, libre ito at walang bayad.

Bukas ito para sa lahat ng mga miyembro ng Tindahan ni Aling Puring o may Aling Puring Card hanggang bukas, ika-24 nga Mayo 2015, kaya ano pang hinihintay ninyo mga katsika, punta na!

PHOTO CAPTION:

(L-R) Vida Marie Gubot, Marketing officer, Connie Avila, Sr. Merchandising Manager, Bianca Gonzales, Supply Chain Head, Antonio delos Santos, VP for Operations, Analiza Rosales, Sr. Merchandising Manager, Ivy Piedad, Sr. Communications Manager at Jenny Jacintos, Sr. Merchandising Manager.

***
Mga katsika, abangan n’yo ang mga pictures natin sa Instagram, i-follow n’yo ako @msbulgarific o i-like ang aking Facebook page – https://www.facebook.com/Missbulgarific
xxx
For event invitation please email bulgarific@gmail.com
Got to go! It’s so Bulgarific!
Xoxo







Walang komento:

Mag-post ng isang Komento