Linggo, Mayo 24, 2015

Ang Queen of All Media, first-ever celebrity endorser na rin ng LBC!


HELLO Bulgarians! Knows n’yo ba ang latest update ngayon mga katsika, may bago ng mukha ang LBC Express, Inc.? Ang nasabing opisyal na pagpapakilala ay naganap nito lamang Miyerkules, ika-20 ng Mayo 2015 sa Green Sun, Makati na dinaluhan ng mga LBC executive, iba pang celebrity, inanyayahang bisita at ka-join din ang mga taga-media at press.
Nakagugulat dahil sa tagal nila sa industriya ay kauna-unahang pagkakataon ito na kumuha sila ng isang celebrity endorser, ito ay dahil sa naniniwala sila na malaki ang maitutulong ng Queen of All Media na si Ms. Kris Aquino upang mas lalong maipakilala at maipalaganap ang serbisyong hatid ng LBC sa ating mga kababayan na patuloy na tumatangkilik at nagtitiwala sa kanila lalo na ng mga kababayan nating OFW at ng mga pamilyang naiwan dito sa ‘Pinas.
Kilala rin na mapili si Kris pagdating sa kanyang kukuning endorsment, sinisguro niyang subok at mapagkakatiwalaan ito dahil hindi lamang pagkatao niya ang nakataya kundi maging ang kanyang pangalan.
Dahil subok na mapagkakatiwalaan ang LBC pagdating sa pagpapadala ng mga importanteng kagamitan kaya agad na napa-Yes si Kris na i-endorso ito lalo na at nagustuhan niya ang tagline ng kumpanya na ‘Huwag mo lang ipadala, ipadama mo,” kaya ipa-LBC ang bawat padala!
***
Mga katsika, abangan n’yo ang mga pictures natin sa Instagram, i-follow n’yo ako @msbulgarific o i-like ang aking Facebook page – https://www.facebook.com/Missbulgarific
xxx
For event invitation please email bulgarific@gmail.com
Got to go! It’s so Bulgarific!
Xoxo




Walang komento:

Mag-post ng isang Komento