Linggo, Mayo 24, 2015

Para maging long-lasting ang makina ng sasakyan, mag-Petron Engine oil ka!


HELLO Bulgarians! Pagdating sa gasolina ng sasakyan at langis ng makina nito, mayroon tayong maaasahan d’yan, ang Petron na isa sa nangungunang kumpanya sa bansa pagdating sa dekalidad na gasolina at mga produktong swak na swak sa araw-araw na biyahe.
May 3 produkto na maaaring gamiting langis sa makina, ito ay ang Petron Ultron Gasoline Engine oils na may Thermal Stress Stabilizing (TS3), Petron REV-X Diesel Engine oil na nagbibigay ng malinis na makina dahil sa Dynamic Cleaning Technology (DC Tech) at ang Petron Sprint 4T motorcycle oils, dahil hindi lamang makina ng sasakyan ang dapat alagaan kundi kasama r’yan ang ating motorsiklo upang hindi tayo ipalya nito sa daan.
Ang engine oil o langis sa makina na mula sa Petron ay dumaan sa iba’t ibang local at international testing upang masiguro ang kalidad nito. Nakatutulong ito para maiwasan ang overheating at friction sa loob ng makina para maiwasan ang agarang pagkasira nito at masiguro na tatagal ang buhay ng ating sasakyan.
Ingatan ang ating sasakyan at ang makina nito upang biyahe ay maging smooth at safe, ingat katsika!
***
Mga katsika, abangan n’yo ang mga pictures natin sa Instagram, i-follow n’yo ako @msbulgarific o i-like ang aking Facebook page – https://www.facebook.com/Missbulgarific
xxx
For event invitation please email bulgarific@gmail.com
Got to go! It’s so Bulgarific!

Xoxo

Ang Queen of All Media, first-ever celebrity endorser na rin ng LBC!


HELLO Bulgarians! Knows n’yo ba ang latest update ngayon mga katsika, may bago ng mukha ang LBC Express, Inc.? Ang nasabing opisyal na pagpapakilala ay naganap nito lamang Miyerkules, ika-20 ng Mayo 2015 sa Green Sun, Makati na dinaluhan ng mga LBC executive, iba pang celebrity, inanyayahang bisita at ka-join din ang mga taga-media at press.
Nakagugulat dahil sa tagal nila sa industriya ay kauna-unahang pagkakataon ito na kumuha sila ng isang celebrity endorser, ito ay dahil sa naniniwala sila na malaki ang maitutulong ng Queen of All Media na si Ms. Kris Aquino upang mas lalong maipakilala at maipalaganap ang serbisyong hatid ng LBC sa ating mga kababayan na patuloy na tumatangkilik at nagtitiwala sa kanila lalo na ng mga kababayan nating OFW at ng mga pamilyang naiwan dito sa ‘Pinas.
Kilala rin na mapili si Kris pagdating sa kanyang kukuning endorsment, sinisguro niyang subok at mapagkakatiwalaan ito dahil hindi lamang pagkatao niya ang nakataya kundi maging ang kanyang pangalan.
Dahil subok na mapagkakatiwalaan ang LBC pagdating sa pagpapadala ng mga importanteng kagamitan kaya agad na napa-Yes si Kris na i-endorso ito lalo na at nagustuhan niya ang tagline ng kumpanya na ‘Huwag mo lang ipadala, ipadama mo,” kaya ipa-LBC ang bawat padala!
***
Mga katsika, abangan n’yo ang mga pictures natin sa Instagram, i-follow n’yo ako @msbulgarific o i-like ang aking Facebook page – https://www.facebook.com/Missbulgarific
xxx
For event invitation please email bulgarific@gmail.com
Got to go! It’s so Bulgarific!
Xoxo




Biyernes, Mayo 22, 2015

Para sa sakit ng ulo at lagnat, mag-Biogesic ka, ingat na damang-dama!


Para sa ingat na damang dama, Biogesic lang ang katapat!
HELLO Bulgarians! Sa tindi ng init ng panahon na dulot ng summer at kung minsan ay may panakanakang pag-ulan na dulot ng climate change, hindi malayong tayo ay tamaan ng sakit. Hindi magandang balita ‘yan mga katsika lalo na sa ating health at bulsa, kaya iwasan ang sakit at magdala ng Biogesic!

Effective na lunas ito sa sakit ng ulo at lagnat at 50 years ng sandalan ng mga Pilipino pagdating sa ganitong uri ng sakit.

Ang tiwala at suporta ng bawat Pinoy ang nagtulak sa UNILAB, na 70 years na rin sa merkado, upang pagbutihin ang pagpapalaganap sa magandang dulot na hatid ng Biogesic.

Kaya naman taos-puso ang pasasalamat ng kumpanya sa walang-sawang pagtangkilik natin mga katsika. Tulad ni John Loyd Cruz, mula taong 2007 ng unang inilunsad ang kampanyang ‘ingat!” ay tumatak na ito sa mga tao.

Halos 8 taon din siyang naging mukha ng Biogesic at magpapatuloy ‘yan hanggang ngayon at asahan na sa mga susunod pang taon ay ipararamdam ni Loydie ang ‘ingat na damang-dama’.

Iwasan ang magkasakit dahil kapag walang sakit, magagawa natin ang ating trabaho ng tuluy-tuloy at walang aberya, ingat mga katsika!
***
Mga katsika, abangan n’yo ang mga pictures natin sa Instagram, i-follow n’yo ako @msbulgarific o i-like ang aking Facebook page – https://www.facebook.com/Missbulgarific
xxx
For event invitation please email bulgarific@gmail.com
Got to go! It’s so Bulgarific!
Xoxo